Punyemaballs! Gusto ko magtrabaho!

Punyemaballs? Kahit anong pilit hindi ko na ata talaga maiwasan magmura. Dapat nasa #1 ng listahan ko sa susunod kong New Year's Resolution ang: Huwag magmura, mapa-teksto man o bigkas.

Anyway, pakiramdam ko sasabog ako sa inis ngayon. Posible ba 'yun? Basta, nanggigigil ako sa tindi ng pagkainis. Kung matalas-talas lang ang pangil ko, mangangagat na ako.

Naiinis ako dahil may bago akong Ambisyon!

Ambisyon na hindi matutupad habang naririto ako, nakakulong sa apat na sulok ng maginaw na kwarto: nag-iimagine, nag-iisip, kinakausap ang sarili, nagdarasal, gumagawa ng muta, at nagbibilang ng nobelang binasa... 24/7!

At may sampung buwan nang ganito. Punyemaballs talaga.

Anyway, nakakainis ang bago kong naisip na Ambisyon: Gusto ko maging news writer.

Walang koneksyon sa tinapos kong kurso. Wala ni sa GED o elective subjects na kinuha ko. Wala sa mahabang listahan ng mga pangarap ko dati.

Hindi ako natutong gumawa ng mahusay na balita sa loob ng ilang taon kong pagiging school paper staffer noong elementary at highschool ako. Pwede sigurong sabihing frustration ko ito. Pero wala akong pakialam dito dati e. Bakit ngayon bigla na lang...

Gusto ko magtrabaho??

Nasisiraan na ata ako ng ulo.

Hindi ito pwede.

Pero pag nagkapera ako. Pag nagkapera lang talaga ako. Shit! Di ko 'to palalampasin. Uuwi ako sa'min at magmamakaawa sa lahat ng opisina ng mga pahayagan.

Magpapaalila ako sa ngalan ng aking Ambisyon. Wala akong pakialam kung kakarampot ang kikitain ko. Wala akong pakialam kung maghirap ako. Wala akong pakialam kung itakwil ako ng pamilya ko dahil wala akong maibibigay, maibabahagi, o maipakakain sa kanila. Basta masunod lang ang Ambisyon ko.

Basta maging news writer lang ako.


Nakakainis. Nakakaasar. Nakakatakot mag-ambisyon. Pag hindi mo natupad, maaari mong ikamatay.

Ang pinaka- na linggo

Buhay (pa) ako. Buhay na buhay. Buhay matapos ang nagdaang linggo at kakaiba'ng pakiramdam maging isang survivor.

Nito kasing nagdaang Linggo ng gabi lumabas kami para manood ng sine (Confessions of A Shopaholic). Pag uwi sa bahay, inatake ako. Mga alas onse y medya na siguro 'yun. Tahimik na ang paligid, sa loob at sa labas. Patay na ang ilaw sa kwarto pero hindi ako makatulog. Sa tindi ng pagpupumilit ko, naluluha na ako sa higpit ng pagpikit ko ng mga mata ko. Pero hindi talaga ako dalawin ng antok.

Gusto kong magpakamatay nung gabing 'yun.

Hindi ko alam kung paano at bakit. Basta bigla na lang. Ang dating papatak-patak na luha, umagos sa pigil-na-pigil na paghikbi. Higit pa sa pagkapikon, sumuko ako nung gabing 'yun.

Nagdasal ako. Sabi ko, "God please not let me wake up again. Please. Not tomorrow. Not ever. Please, God. Please. I want to put an end to this kind of existence. God, please. I am letting go. I am ready. This is the day. This is the appropriate day for me to leave because up to this point, I don't have anything to regret. This is my one and only chance. A perfect day and a perfect way to die. To never wake up again. Please, God. Please..."

Ganyan. Paulit-paulit ako sa "Please, God. Please..." Buo ang loob ko nung gabing 'yun. Malinaw ang pag-iisip ko dahil hindi ko inisip si Pride. Handa na akong mamatay nang sandaling 'yun dahil malinis ang konsensya ko. Divine Intervention ang sagot sa aking katapusan.

Sa sobrang pagod siguro, nakatulog din ako. Pero hanggang alas singko ng umaga (nasilip ko ang oras sa iPod) gising ako.

Lunes.

Ang unang naisip ko pagmulat ng mata ko ay, "Buhay o patay?" Hindi ko alam kung paano maging patay kaya hindi ko matiyak. Pansamantala, ipinilit ko ang kagustuhan ko. Patay ako. Sige, magkikilos-patay ako.

Matagal akong nakahiga sa kama sa pagkukumbinsi sa sarili kong patay na ako. Pero ayaw ng Utak ko dahil alam nitong hindi (pa) ako patay. Hindi ito ang unang beses na nag-claim ako ng kamatayan. Nung 4th year college, kinumbinsi ko ang sarili ko isang beses na namatay ako. Tumagal din ng ilang araw. Tsaka bago ako tumuntong sa kolehiyo, resurrected ako.

Nanaig ang Utak at bumangon ako para mag-almusal. Pero habang kumakain ako, tinitingala ko ang kisame sa buong apartment. Nagtitingin, naghananap ng pwedeng mapagsabitan. Kaso walang matibay-tibay. Nakakatakot magbigti sa sabitan ng shower curtain dahil pag bumigay ang bakal sa bigat ko, mababalian lang ako sa halip na malagutan ng hininga.

Bigti.

Nahirapan akong lunukin ang kinakain kong brownies. Masakit sa leeg magbigti. Gusto ko ba talagang gawin 'yun? Maaatim ko ba na makita ang pamilya kong magdurusa dahil sa karima-rimarim na iniwan kong eksenang siyang sasalubong pagdating nila sa bahay sa hapong 'yun? Handa ba akong i-risk ang traumang idudulot ng aking kasakiman na maaaring sumira sa buhay nila?

Ayoko. Hindi. Hindi.

Isa pa, wala akong nakitang lubid. O, hindi na ako sadyang nag-effort pa na maghalungkat.

Na-resolve ko ang problema. Hindi na ako magpapakamatay. Gayunpaman, nalungkot ako. Hindi ako pinakinggan ni God? Hindi niya ako pinagbigyan? Hindi na mauulit muli ang gabing 'yun at hindi na uli ako magiging kasing-handa gaya 'nun. Pinalampas ko ang pagkakataon pero hindi ako ang may gawa. Hindi ko sisisihin ang sarili ko dahil si God ang may ayaw. O baka dahil wala naman talagang God at sa demonyo pala ako dumulog, pero kahit ang diyablo ayaw din ako pagbigyan. A, leche ewan ko. Tuloy ang buhay. Martes. Miyerkules. Huwebes. Biyernes. Sabado. Linggo.