Punyemaballs! Gusto ko magtrabaho!

Punyemaballs? Kahit anong pilit hindi ko na ata talaga maiwasan magmura. Dapat nasa #1 ng listahan ko sa susunod kong New Year's Resolution ang: Huwag magmura, mapa-teksto man o bigkas.

Anyway, pakiramdam ko sasabog ako sa inis ngayon. Posible ba 'yun? Basta, nanggigigil ako sa tindi ng pagkainis. Kung matalas-talas lang ang pangil ko, mangangagat na ako.

Naiinis ako dahil may bago akong Ambisyon!

Ambisyon na hindi matutupad habang naririto ako, nakakulong sa apat na sulok ng maginaw na kwarto: nag-iimagine, nag-iisip, kinakausap ang sarili, nagdarasal, gumagawa ng muta, at nagbibilang ng nobelang binasa... 24/7!

At may sampung buwan nang ganito. Punyemaballs talaga.

Anyway, nakakainis ang bago kong naisip na Ambisyon: Gusto ko maging news writer.

Walang koneksyon sa tinapos kong kurso. Wala ni sa GED o elective subjects na kinuha ko. Wala sa mahabang listahan ng mga pangarap ko dati.

Hindi ako natutong gumawa ng mahusay na balita sa loob ng ilang taon kong pagiging school paper staffer noong elementary at highschool ako. Pwede sigurong sabihing frustration ko ito. Pero wala akong pakialam dito dati e. Bakit ngayon bigla na lang...

Gusto ko magtrabaho??

Nasisiraan na ata ako ng ulo.

Hindi ito pwede.

Pero pag nagkapera ako. Pag nagkapera lang talaga ako. Shit! Di ko 'to palalampasin. Uuwi ako sa'min at magmamakaawa sa lahat ng opisina ng mga pahayagan.

Magpapaalila ako sa ngalan ng aking Ambisyon. Wala akong pakialam kung kakarampot ang kikitain ko. Wala akong pakialam kung maghirap ako. Wala akong pakialam kung itakwil ako ng pamilya ko dahil wala akong maibibigay, maibabahagi, o maipakakain sa kanila. Basta masunod lang ang Ambisyon ko.

Basta maging news writer lang ako.


Nakakainis. Nakakaasar. Nakakatakot mag-ambisyon. Pag hindi mo natupad, maaari mong ikamatay.

0 comments:

Post a Comment