Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa praning

Ayoko magmura kahit murang-mura na ako. Napapraning na naman kasi ako. Iniisip ko na namang magpakamatay pero hindi pupwede. Gusto ng utak ko pero ayaw ni Pride. Dahil pag nagpakamatay ako ngayon para ko na ring inamin na isa akong tanga. Pag ginawa ko 'to ngayon, mamamatay akong Loser (capital L). Ano ako bale?

Gusto ko magpakamatay dahil napipikon ako. At dahil napipikon ako gusto kong patunayan na hindi ako takot mamatay. Kaya lang hindi talaga pupwede.

Ayoko isipin ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko, ng mga dating teacher at classmate at schoolmate ko, ng mga kamag-anak ko, ng mga kakilala ko, ng mga kaaway ko, ng mga crush ko, etcetera.. na nagpakamatay ako dahil sa pressure ng lipunan, na nagpakamatay ako dahil sa depression, na nagpakamatay ako dahil sa lovelife (aba malay mo!), na nagpakamatay ako dahil sa kahihiyan, na nagpakamatay ako dahil wala akong trabaho, wala akong pera, wala akong (bagong) kaibigan, na nagpakamatay ako dahil sa kalungkutan (homesick siguro?)... HINDI PUPWEDE!

Hindi ko maaatim na i-mislead sila.

Ako? Ma-pressure? Ako? Ma-depress? Ako? Ma-inluv? Ako? Mahiya? Ako? Ma-bore? Ako? Ma-emo?

Kalokohan. Kung magpapakamatay din lang ako, pag nagawa ko na lahat ng bagay na gusto kong gawin at lahat ng pangarap na nais kong tuparin. Magpapakamatay ako pag narating ko na ang Nirvana. Pag natamo ko na ang kaliwanagan. Pag napatunayan ko na ang pagmamahal ko sa aking bayan.

Pero gusto ko talaga magpakamatay ngayon. As in, now na.