Iba pa rin ang maliit sa masikip

Nagising akong nalulula sa lawak ng mundo. Bumangon akong hindi nag-iisip.

Ang mga simpleng bagay na hindi na kinakailangan pang matuklasan sapagkat naririyan na naman, sa halip, ay naging mga palaisipan.

  1. A writer is born not made.

  2. Daig ng maagap ang masipag.

Dalawang bagay na nagtatampok sa katotohanan: Wala akong talent.


Balik sa wala. Umpisa na namang uli. Magkaroon lang ng silbi.

Moral degradation

Hindi ako nabo-bore. Palibhasa kasi redundant pag sinabi kong bored ako, dahil ako mismo si Boring.

Isa akong nomad. Pwede ring NPA = no permanent address. O, gypsy. Sinabihan pa ako dating ermitanyo raw ako.

Nanghihinayang sila sa akin. Pati tuloy ako, unti-unting nahahawa na rin. Sinubukan ko naman ang pagbabago, at least, ngayong taong ito. Pero ako lang ang nakakaalam na may pagbabago ngang nagaganap. Sa kanila, wala pa ring nangyayari sa akin. Dahil hanggat hindi nila nakikita ang tanging bagay na alam nila, hanggat hindi nila nakikita ang sarili nila sa akin, hanggat hindi nila ako nagiging katulad, kamukha, kagaya... walang nangyayari sa akin. Wala akong buhay. Patapon. Nakakapanghinayang.

At dahil mukhang ganon nga siguro ang tingin nila, imposibleng maunawaan nila na may pagbabago nga talaga kung ako lang ang tatanungin.

Bakit ba kasi malapot ang dugo? Kahit anong pilit ang gawin, pag pamilya na ang nakialam, wala kang magawa. Titibok at titibok ang puso mo kahit tabunan mo pa ng sako-sakong abo.

Pero mas masakit, satili mong dugo't laman hindi ka maintindihan.

Para-parang isinuko ka na bago ka pa pakinggan. Pinanghinayangan ka na bago ka pa pinakialaman.

Nakikita ka pero hindi talaga.
Naririnig ka pero hindi talaga.
Pinapansin ka pero hindi talaga.

Ano yun.


Mahal ka ba talaga nila?

Ispiritwal na gawain ang paghuhugas ng pinggan

Siyam na buwan na akong tagahugas ng pinggan. Masaya ako sa gawaing ito. Hindi ako nagrereklamo. Hindi. Paminsan-minsan, naiinis, oo. Gaya kanina. Ano ba namang idiretso na sa basurahang dalawa o tatlong hakbang lang mula sa lababo ang mga discarded na hiniwang sibuyas. Paano na lang kung lang walang grinder yung lababo? E di nagbara? Dahil lang sa hindi mo malaman kung katangahan ba o katamaran. Pero hindi ako nagrereklamo. Hindi. Masaya ako sa gawaing ito. Dahil habang sinasabon ko ang mga tasa, baso, platito, plato, kutsara, tinidor, sandok, at rice cooker, minsan kaldero, hindi ako nag-iisip. Malaya akong nakapag-iisip ng ibang bagay na hindi ko naiisip sa tuwing ako ay nag-iisip. Sa paghuhugas ng pinggan, hindi ako nag-iisip habang nag-iisip. Pinagbubuklod ng gawaing ito ang ako at si Ako. Saka ko maririnig ang huni ng hummingbird sa labas.

Isyung batugan

Oo na, palamunin na nga ako. Oo na, kinukunsumo ko na ang kuryente, Comcast, pati na tubig. Oo na, ako na nga ang ganito't ganoon. Pero, batugan? Sino, ako? O, come on. Naghuhugas ako ng pinggan.

Para 'yun?

Aba di ata biro maghugas ng pinggan. Ilan ba sa mga nilalang ang nagkaroon ng kakaibang interes, nalilibang sa paghuhugas ng pinggan? Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, pagkakagising sa tanghali (o hapon), paghuhugas ng santambak na pinggan at kubyertos ang agad kong hinaharap. Dahil sa sandaling makalimot ako, pagdating ng gabi e tiyak aapaw sa lababo. Kung nagtatrabaho siguro ako at pagkakarating ko'y pagod din ako sa hapon, may maghuhugas kaya ng pinggan?



Naghuhugas ako ng pinggan. Wala akong kinikita. Nagrereklamo ba ako?

Masikip na sa loob ng Utak ko

Ako ay isang alien! Alien! alien! alien!
Ang sabi sakin dati di ko raw pwede gawin ang nais ko
Kasi nasa loob ako
Nasa loob, wala sa labas
Kabilang, hindi outsider

Ayoko rin naman ng tatsulok
Pero pinakaayaw ko talaga ang hugis ng kahon
Ng nasa kahon,
Kinakahon sa kahon
Ayoko ng ganun

Gusto ko makialam
Pero ayoko pakialaman
Paano na lang kaya?
Anlaki ng problema
Tapos wala pang pera

Problema sa pera, oo tama
Walang pera pero di mukhang-pera
Ayoko magbenta, ibenta
Ako'y malaya
Hangga't kaya

Nawawala ang ulo ko
Pati na rin yata ang kaluluwa ko
Ninakaw kaya ng multo?
Nung bata-bata kasi'y matalino raw ako
Nakasulat pa nga sa report card ko

May pangarap ako dati
Bago ko pa naisip magbigti
Tapos ayun nga, may nangyari
Top secret! Hindi maaari
Basta bigla ko na lang naisantabi

Ayokong binabangungot
Ayoko maging malungkot
Madali kasi akong matakot
At di ko kakayanin matulog nang walang kumot
Pero handa kong harapin ang anumang/sinumang salot

Hindi ko kilala ang sarili ko
Dalawang kalahati kasi ako
Alin, alin, alin ang totoo?
May absolute sa loob ng utak ko
Pero dito sa mundo, panay relatibo

Paano ba maging kapaki-pakinabang

Na di kinakailangang magpaalipin sa pangangailangan
Na di naghahangad kumita nang malaki para yumaman
Na di kumakayod nang may sama ng loob
Na ...

Paano ba maging makabayan

Sa labas.

Sino ang paniniwalaan ko
Sila o ang saloobin ko?
Sino, ano ba ang dapat?
...dapat



Minsan nung bata pa ako, tumingala ako sa langit pagkatapos nakita ko ang buwan. Habang naglalakad ako, napansin kong sinusundan ako ng buwan. "Balang araw..," sabi ko. "Balang araw, paglaki ko..makikita mo.."

Makaraan ang isa't kalahating dekada, inakala kong malayo na ang aking nakarating. Kung saan-saang lupalop na rin ako napadpad, sa wakas... yeah, sa wakas! Pero, shit, narealize ko. Shit, hindi pa rin pala ako nakalayo. Dahil hanggang ngayon, shit, hanggang ngayon.. Tinitingala ko pa rin ang buwan sa kalangitan. Shit talaga. So, nasa mundo pa rin pala ako? Shit, andito pa rin ako. Shit. Shit, oh shit!

Mamamatay akong mediocre

Nag-iisip

Iniisip ko kung paano ko iiwasang isipin ang mga bagay-bagay na iniisip ko.

Ayoko isipin kasi ayoko mamroblema. Ayoko mamroblema kasi ayoko malungkot. Ayoko malungkot kasi ayoko maiyak. Ayoko maiyak kasi ayoko maawa sa sarili. Ayoko maawa sa sarili kasi ayoko magalit. Ayoko magalit kasi ayoko mainis. Ayoko mainis kasi ayoko mapikon. Ayoko mapikon kasi ayoko magpakamatay. Ayoko magpakamatay kasi ayoko pa mamatay. Ayoko pa mamatay kasi gusto ko pa mabuhay. Gusto ko pa mabuhay kasi gusto ko pa magbasa. Gusto ko pa magbasa kasi gusto ko pa maging masaya. Gusto ko pa maging masaya kasi gusto ko makalimot. Gusto ko makalimot kasi ayoko mag-isip. Ayoko mag-isip kasi ayoko mamroblema...

Ayoko mamroblema kasi nga ayoko malungkot. Ayoko malungkot kasi nga ayoko maiyak. Ayoko maiyak kasi nga ayoko maawa sa sarili. Ayoko maawa sa sarili kasi nga ayoko magalit. Ayoko magalit kasi nga ayoko mainis. Ayoko mainis kasi nga ayoko mapikon. Ayoko mapikon kasi nga ayoko magpakamatay. Ayoko magpakamatay kasi nga ayoko pa mamatay. Ayoko pa mamatay kasi nga gusto ko pa mabuhay. Gusto ko pa mabuhay kasi nga gusto ko pa magbasa. Gusto ko pa magbasa kasi nga gusto ko pa maging masaya. Gusto ko pa maging masaya kasi nga gusto ko makalimot. Gusto ko makalimot kasi nga ayoko mag-isip. Ayoko mag-isip kasi nga ayoko mamroblema...

Ayoko mamroblema kasi ayoko malungkot sabi. Ayoko malungkot kasi ayoko maiyak sabi. Ayoko maiyak kasi ayoko maawa sa sarili sabi. Ayoko maawa sa sarili kasi ayoko magalit sabi. Ayoko magalit kasi ayoko mainis sabi. Ayoko mainis kasi ayoko mapikon sabi. Ayoko mapikon kasi ayoko magpakamatay sabi. Ayoko magpakamatay kasi ayoko pa mamatay sabi. Ayoko pa mamatay kasi gusto ko pa mabuhay sabi. Gusto ko pa mabuhay kasi gusto ko pa magbasa sabi. Gusto ko pa magbasa kasi gusto ko pa maging masaya sabi. Gusto ko pa maging masaya kasi gusto ko makalimot sabi. Gusto ko makalimot kasi ayoko mag-isip sabi. Ayoko mag-isip kasi ayoko mamroblema sabi...

And the cycle will continue. On and on and on and...

Nung isang araw, namataan akong nakahilata sa kama at abalang nagbabasa. Pinalalayas na ako dahil wala akong kwenta. Mag-iisang taon na kasi akong nakatunganga. Wala raw akong Buhay. Ibig sabihin, kabuhayan.

I'm a human being.

Meron akong Buhay. Pagbabasa. Isandaa't isang nobela sa loob ng isang taon. 'Yan ang isa sa aking misyon. Ang wala ko, kabuhayan, oo.

I'm a human being.

Gusto ko sana humirit. Ayoko ata pumayag nang walang counter-argument. Pero hindi ko ginawa kasi alam kong hindi rin naman nila maiintindihan, dahil kahit nga ako mismo sa sarili ko e hindi ko magawang maintindihan ang takbo ng utak ko.

I'M a human being.
I'm A human being.
I'm a HUMAN being.
I'm a human BEING.



Your Honor, I rest my case.

Punyemaballs! Gusto ko magtrabaho!

Punyemaballs? Kahit anong pilit hindi ko na ata talaga maiwasan magmura. Dapat nasa #1 ng listahan ko sa susunod kong New Year's Resolution ang: Huwag magmura, mapa-teksto man o bigkas.

Anyway, pakiramdam ko sasabog ako sa inis ngayon. Posible ba 'yun? Basta, nanggigigil ako sa tindi ng pagkainis. Kung matalas-talas lang ang pangil ko, mangangagat na ako.

Naiinis ako dahil may bago akong Ambisyon!

Ambisyon na hindi matutupad habang naririto ako, nakakulong sa apat na sulok ng maginaw na kwarto: nag-iimagine, nag-iisip, kinakausap ang sarili, nagdarasal, gumagawa ng muta, at nagbibilang ng nobelang binasa... 24/7!

At may sampung buwan nang ganito. Punyemaballs talaga.

Anyway, nakakainis ang bago kong naisip na Ambisyon: Gusto ko maging news writer.

Walang koneksyon sa tinapos kong kurso. Wala ni sa GED o elective subjects na kinuha ko. Wala sa mahabang listahan ng mga pangarap ko dati.

Hindi ako natutong gumawa ng mahusay na balita sa loob ng ilang taon kong pagiging school paper staffer noong elementary at highschool ako. Pwede sigurong sabihing frustration ko ito. Pero wala akong pakialam dito dati e. Bakit ngayon bigla na lang...

Gusto ko magtrabaho??

Nasisiraan na ata ako ng ulo.

Hindi ito pwede.

Pero pag nagkapera ako. Pag nagkapera lang talaga ako. Shit! Di ko 'to palalampasin. Uuwi ako sa'min at magmamakaawa sa lahat ng opisina ng mga pahayagan.

Magpapaalila ako sa ngalan ng aking Ambisyon. Wala akong pakialam kung kakarampot ang kikitain ko. Wala akong pakialam kung maghirap ako. Wala akong pakialam kung itakwil ako ng pamilya ko dahil wala akong maibibigay, maibabahagi, o maipakakain sa kanila. Basta masunod lang ang Ambisyon ko.

Basta maging news writer lang ako.


Nakakainis. Nakakaasar. Nakakatakot mag-ambisyon. Pag hindi mo natupad, maaari mong ikamatay.

Ang pinaka- na linggo

Buhay (pa) ako. Buhay na buhay. Buhay matapos ang nagdaang linggo at kakaiba'ng pakiramdam maging isang survivor.

Nito kasing nagdaang Linggo ng gabi lumabas kami para manood ng sine (Confessions of A Shopaholic). Pag uwi sa bahay, inatake ako. Mga alas onse y medya na siguro 'yun. Tahimik na ang paligid, sa loob at sa labas. Patay na ang ilaw sa kwarto pero hindi ako makatulog. Sa tindi ng pagpupumilit ko, naluluha na ako sa higpit ng pagpikit ko ng mga mata ko. Pero hindi talaga ako dalawin ng antok.

Gusto kong magpakamatay nung gabing 'yun.

Hindi ko alam kung paano at bakit. Basta bigla na lang. Ang dating papatak-patak na luha, umagos sa pigil-na-pigil na paghikbi. Higit pa sa pagkapikon, sumuko ako nung gabing 'yun.

Nagdasal ako. Sabi ko, "God please not let me wake up again. Please. Not tomorrow. Not ever. Please, God. Please. I want to put an end to this kind of existence. God, please. I am letting go. I am ready. This is the day. This is the appropriate day for me to leave because up to this point, I don't have anything to regret. This is my one and only chance. A perfect day and a perfect way to die. To never wake up again. Please, God. Please..."

Ganyan. Paulit-paulit ako sa "Please, God. Please..." Buo ang loob ko nung gabing 'yun. Malinaw ang pag-iisip ko dahil hindi ko inisip si Pride. Handa na akong mamatay nang sandaling 'yun dahil malinis ang konsensya ko. Divine Intervention ang sagot sa aking katapusan.

Sa sobrang pagod siguro, nakatulog din ako. Pero hanggang alas singko ng umaga (nasilip ko ang oras sa iPod) gising ako.

Lunes.

Ang unang naisip ko pagmulat ng mata ko ay, "Buhay o patay?" Hindi ko alam kung paano maging patay kaya hindi ko matiyak. Pansamantala, ipinilit ko ang kagustuhan ko. Patay ako. Sige, magkikilos-patay ako.

Matagal akong nakahiga sa kama sa pagkukumbinsi sa sarili kong patay na ako. Pero ayaw ng Utak ko dahil alam nitong hindi (pa) ako patay. Hindi ito ang unang beses na nag-claim ako ng kamatayan. Nung 4th year college, kinumbinsi ko ang sarili ko isang beses na namatay ako. Tumagal din ng ilang araw. Tsaka bago ako tumuntong sa kolehiyo, resurrected ako.

Nanaig ang Utak at bumangon ako para mag-almusal. Pero habang kumakain ako, tinitingala ko ang kisame sa buong apartment. Nagtitingin, naghananap ng pwedeng mapagsabitan. Kaso walang matibay-tibay. Nakakatakot magbigti sa sabitan ng shower curtain dahil pag bumigay ang bakal sa bigat ko, mababalian lang ako sa halip na malagutan ng hininga.

Bigti.

Nahirapan akong lunukin ang kinakain kong brownies. Masakit sa leeg magbigti. Gusto ko ba talagang gawin 'yun? Maaatim ko ba na makita ang pamilya kong magdurusa dahil sa karima-rimarim na iniwan kong eksenang siyang sasalubong pagdating nila sa bahay sa hapong 'yun? Handa ba akong i-risk ang traumang idudulot ng aking kasakiman na maaaring sumira sa buhay nila?

Ayoko. Hindi. Hindi.

Isa pa, wala akong nakitang lubid. O, hindi na ako sadyang nag-effort pa na maghalungkat.

Na-resolve ko ang problema. Hindi na ako magpapakamatay. Gayunpaman, nalungkot ako. Hindi ako pinakinggan ni God? Hindi niya ako pinagbigyan? Hindi na mauulit muli ang gabing 'yun at hindi na uli ako magiging kasing-handa gaya 'nun. Pinalampas ko ang pagkakataon pero hindi ako ang may gawa. Hindi ko sisisihin ang sarili ko dahil si God ang may ayaw. O baka dahil wala naman talagang God at sa demonyo pala ako dumulog, pero kahit ang diyablo ayaw din ako pagbigyan. A, leche ewan ko. Tuloy ang buhay. Martes. Miyerkules. Huwebes. Biyernes. Sabado. Linggo.

Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa praning

Ayoko magmura kahit murang-mura na ako. Napapraning na naman kasi ako. Iniisip ko na namang magpakamatay pero hindi pupwede. Gusto ng utak ko pero ayaw ni Pride. Dahil pag nagpakamatay ako ngayon para ko na ring inamin na isa akong tanga. Pag ginawa ko 'to ngayon, mamamatay akong Loser (capital L). Ano ako bale?

Gusto ko magpakamatay dahil napipikon ako. At dahil napipikon ako gusto kong patunayan na hindi ako takot mamatay. Kaya lang hindi talaga pupwede.

Ayoko isipin ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko, ng mga dating teacher at classmate at schoolmate ko, ng mga kamag-anak ko, ng mga kakilala ko, ng mga kaaway ko, ng mga crush ko, etcetera.. na nagpakamatay ako dahil sa pressure ng lipunan, na nagpakamatay ako dahil sa depression, na nagpakamatay ako dahil sa lovelife (aba malay mo!), na nagpakamatay ako dahil sa kahihiyan, na nagpakamatay ako dahil wala akong trabaho, wala akong pera, wala akong (bagong) kaibigan, na nagpakamatay ako dahil sa kalungkutan (homesick siguro?)... HINDI PUPWEDE!

Hindi ko maaatim na i-mislead sila.

Ako? Ma-pressure? Ako? Ma-depress? Ako? Ma-inluv? Ako? Mahiya? Ako? Ma-bore? Ako? Ma-emo?

Kalokohan. Kung magpapakamatay din lang ako, pag nagawa ko na lahat ng bagay na gusto kong gawin at lahat ng pangarap na nais kong tuparin. Magpapakamatay ako pag narating ko na ang Nirvana. Pag natamo ko na ang kaliwanagan. Pag napatunayan ko na ang pagmamahal ko sa aking bayan.

Pero gusto ko talaga magpakamatay ngayon. As in, now na.