Ako ay isang alien! Alien! alien! alien!
Ang sabi sakin dati di ko raw pwede gawin ang nais ko
Kasi nasa loob ako
Nasa loob, wala sa labas
Kabilang, hindi outsider
Ayoko rin naman ng tatsulok
Pero pinakaayaw ko talaga ang hugis ng kahon
Ng nasa kahon,
Kinakahon sa kahon
Ayoko ng ganun
Gusto ko makialam
Pero ayoko pakialaman
Paano na lang kaya?
Anlaki ng problema
Tapos wala pang pera
Problema sa pera, oo tama
Walang pera pero di mukhang-pera
Ayoko magbenta, ibenta
Ako'y malaya
Hangga't kaya
Nawawala ang ulo ko
Pati na rin yata ang kaluluwa ko
Ninakaw kaya ng multo?
Nung bata-bata kasi'y matalino raw ako
Nakasulat pa nga sa report card ko
May pangarap ako dati
Bago ko pa naisip magbigti
Tapos ayun nga, may nangyari
Top secret! Hindi maaari
Basta bigla ko na lang naisantabi
Ayokong binabangungot
Ayoko maging malungkot
Madali kasi akong matakot
At di ko kakayanin matulog nang walang kumot
Pero handa kong harapin ang anumang/sinumang salot
Hindi ko kilala ang sarili ko
Dalawang kalahati kasi ako
Alin, alin, alin ang totoo?
May absolute sa loob ng utak ko
Pero dito sa mundo, panay relatibo
Paano ba maging kapaki-pakinabang
Na di kinakailangang magpaalipin sa pangangailangan
Na di naghahangad kumita nang malaki para yumaman
Na di kumakayod nang may sama ng loob
Na ...
Paano ba maging makabayan
Sa labas.
Sino ang paniniwalaan ko
Sila o ang saloobin ko?
Sino, ano ba ang dapat?
...dapat
Minsan nung bata pa ako, tumingala ako sa langit pagkatapos nakita ko ang buwan. Habang naglalakad ako, napansin kong sinusundan ako ng buwan. "Balang araw..," sabi ko. "Balang araw, paglaki ko..makikita mo.."
Makaraan ang isa't kalahating dekada, inakala kong malayo na ang aking nakarating. Kung saan-saang lupalop na rin ako napadpad, sa wakas... yeah, sa wakas! Pero, shit, narealize ko. Shit, hindi pa rin pala ako nakalayo. Dahil hanggang ngayon, shit, hanggang ngayon.. Tinitingala ko pa rin ang buwan sa kalangitan. Shit talaga. So, nasa mundo pa rin pala ako? Shit, andito pa rin ako. Shit. Shit, oh shit!
Mamamatay akong mediocre
0 comments:
Post a Comment