Isyung batugan

Oo na, palamunin na nga ako. Oo na, kinukunsumo ko na ang kuryente, Comcast, pati na tubig. Oo na, ako na nga ang ganito't ganoon. Pero, batugan? Sino, ako? O, come on. Naghuhugas ako ng pinggan.

Para 'yun?

Aba di ata biro maghugas ng pinggan. Ilan ba sa mga nilalang ang nagkaroon ng kakaibang interes, nalilibang sa paghuhugas ng pinggan? Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, pagkakagising sa tanghali (o hapon), paghuhugas ng santambak na pinggan at kubyertos ang agad kong hinaharap. Dahil sa sandaling makalimot ako, pagdating ng gabi e tiyak aapaw sa lababo. Kung nagtatrabaho siguro ako at pagkakarating ko'y pagod din ako sa hapon, may maghuhugas kaya ng pinggan?



Naghuhugas ako ng pinggan. Wala akong kinikita. Nagrereklamo ba ako?

0 comments:

Post a Comment